ayokong ng mahabang intro. kaya sasabihin ko ng diretso kung sino ako. JOHN RANIER HERRERA, walang bisyo MAGSIMBA lang, ang hobbies ko PRAYING.

mahilig din ako magpatawa at mag make faces. :)

gustong gusto kong sumasayaw, ung sayaw naman ayaw sakin. ><"
halalala! magsawa ka.
First day ng klase bukas!

dahil ako ang kuya sa klase. ako na naman ang KUYA! haha

Magtatampo ka din brad.

nakakatampo, nakakaasar, nakakasama ng loob, nakakawalang gana sa pagkain, nakakadami ng yosi. ganyan ang epekto kapag nagkatampuhan kayo ng gerlpren mo.

hindi naman madalas mangyari samen ang ganitong sitwasyon. dahil na rin sa mga bagay na hindi na nababagay samen. una, ang magtampu-tampuhan na pang high school lang. i GM sa text ang pinagawayan niyo na pang mga artista at nangangarap magka big break sa showbiz lamang. at ang pinaka IMBA, ang gumawa ng sarili mong ikaseselos.

nahihirapan ako, na sa bawat pagtatalo namen ako ang mali, ako ang dapat humingi ng dispensa, ako ang dapat sumuyo upang lumambot ang puso nyang nagyeyelo na ata. kahit pa alam ko ako ang nasa tama. hindi ko lang talaga kayang ipagpalit ang taong ito sa kakarampot na pride na meron ako. at kagabi lang nanginig na naman ang aking muscles sapagkat because para na naman akong invisible kagabi kahit na magkasama kame. ewan ko, masyado lang talaga siguro akong attention seeker. my FAULT!

alam ko naman na mahal ako ng taong ito. ngunit parang andami kong kahati sa oras na dapat ilaan namen para sa isa’t isa. parang nung nakaraang laban ni cong. Pacquiao vs. Mosley. 70-30 ratio. nakuha niyo? tinatanong ko sa sarili ko kung sobra ba ko kung magbigay o baka naman nahihiya lang siyang ibigay ang atensyon na gusto ko. at ang masaklap amsyado akong demanding at ang taas ng expectation ko masyado, hindi nga kaya ganun un? 

ewan ko talaga. kaya nga 5 yosi ang naubos ko mula ng paggising ko kaninang alas otso ng umaga. nakakasuya na sa bunganga at sa baga. BULLSHIT!

Halo-halo sa tag-init.

Masarap ang halo-halo sa ganitong kainit na araw. iba’t ibang sahog na nakakatakam. nakakatanggal ng init, at sandaling napapalitan ng lamig sa kalooban. pwedeng kainin mag isa, kasama ang minamahal, tawagin mo pa ang barkada. pero the best kung pamilya ang kasama.

yan ang halo-halong kinakain, nilalaman sa tiyan. pero paano kung ang isipan mo ang halo-halo? malungkot na sasamahn mo ng kasiyahan. pag-ibig na hinaluan ng pagtataksil, kasinungalingan sa likod ng katotohanan. hindi mo pwedeng itago ang tunay mong nararamdaman. kung mahina ang loob mo tyak nabaliw ka na sa hirap ng dadanasin mo. minsan maiisip mo na magpahinga muna, at kapag nagpapahinga ka na, maiisip mo na ituloy sa pangmatagalan.

kaibigan. hindi ganyan ang buhay. kung hangad mo ay perpektong buhay na umaayon sayo lahat ng bagay. subukan mong mamuhay sa kabilang buhay. mabuhay ka ayon sa gusto mong mangyari sa sarili mo at sa mga taong nakapaligid sayo. di lang ikaw tao sa mundo na naghahangad ng ganyan.

tandaan mo puro pasakit ang buhay. ikaw na ang bahalang magpagaan nito.

“Sana matutunan mo ang pagdoDOTA para ako na lang ang Hero mo.”

-mas mainam kesa gf vs. dotA.

sa tingin ko sang ayon sila.

“commitment? hindi yan ang sagot”

nagsimula lang naman kame sa simpleng magkaibigan, oo magkaibigan. eka nga nila, ang pundasyon ng matatag na pagmamahan. pero sa totoo lang hindi ko naman inaasahan na mauuwi ang simpleng pakikipagkaibigan sa isang malalim na ugnayan e.

paulit ulit lang ung sinasabi ko kanina. pero didirekta na ko sa dapat na kanina ko pa sinabi. aym inlab! naks level up.

un lang naman ang gusto kong sabihin e. hindi kame perpekto pero di bale na. basta masaya, lahat ng bagay parang perpekto na. di ba?